Skip to content

Ano ba ang ibig-sabihin ng impartiality at neutrality ng isang Katarungang Pambarangay mediator?

Atty. Ma. Araceli Habaradas

Laging sinasabi na ang KP mediator ay dapat maging “impartial” at “neutral.” Ano ba ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang “Impartiality” and “neutrality” ay madalas mapagpalit. Bagama’t may pagkakatulad ang dalawang salita, mas makakatulong kung alam ng KP mediator ang pagkakaiba ng dalawa upang mas magabayan sila sa kanilang trabaho bilang mga tagapamagitan.

Sa video na ito, ibabahagi ni Atty. Araceli Habaradas, Ateneo Law School Faculty at Alternative Dispute Resolution Practitioner ang ibig-sabihin ng impartiality at neutrality ng isang KP mediator.